M7.7 na lindol yumanig sa Jamaica

Tumama ang malakas na magnitude 7.7 na lindol sakaragatan ng Jamaica.

Ayon sa US Geological Survey, ang pagyanig ay naitala sa 125 kilometers northwest ng Lucea, Jamaica na may lalim na 10 kilometers.

Naitala ang lindol alas 3:10 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa THe Bahamas, Cayman Islands, Haiti, Honduras, Cuba maging sa ilang lugar sa Amerika gaya ng Miami, Florida.

Nagtaas naman ng tsunami warning dahil sa malakas na pagyanig,

Sa babala ng Tsunami Information Center maaring umabot sa hanggang 3 feet ang taas ng alon sa mga baybayin ng Belize, Cuba, Honduras, Mexico, Cayman Islands at Jamaica.

Read more...