Abogado, patay sa ambush sa Pampanga

Patay ang isang abogado at drayber nito sa pamamaril sa Sta. Rita, Pampanga araw ng Martes.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Atty. Anselmo “Sato” Carlos at drayber na si Marcial Mendoza.

Binaril umano ng tatlong hindi pa nakikilalang gunman ang mga biktima sa loob ng sasakyan nito sa bahagi ng San Vicente Church sa provincial
road.

Sinabi ng pulisya na nagtamo ng tama ng bala ng baril ang mga biktima sa ulo, leeg at dibdib.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa likod ng pamamaril.

Read more...