Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD), binaril ang mga biktima sa tapat mismo ng tanggapan ng Department of Science and Technology (DOST) sa Gen. Santos Avenue sa Barangay Upper Bicutan bandang 2:30 ng hapon.
Kabilang anila sa nasawi ang isang Filipino at dalawang Chinese national.
Patuloy namang ginagamot ang dalawang sugatang menor de edad sa Taguig Pateros District Hospital.
Sa ngayon, hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa pamamaril.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES