Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang initial distribution ng student allowance sa ilalim ng Social Amelioration program.
Otomatikong mabibigay ang allowance ng mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang rehistradong GCash account.
Samantala, makakatanggap naman ng P500 kada buwan ang Grade 12 students sa mga pampublikong paaralan.
Kasunod nito, hinikayat ng alkalde ang mga estudyante na gamitin nang maayos ang kanilang allowance at tutukan ang kanilang pag-aaral.
Sinabi pa ni Moreno na ang nasabing benepisyo ay bahagi ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa mga residente ng lungsod na nagbabayad ng buwis.