‘Tete-a-tete’ ni Sec. Panelo kay Pangulong Duterte, muling nakansela

Hindi na naman natuloy ang ‘tete-a-tete’ ni Presidential spokesman Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte, Martes ng hapon.

Sa inilabas na abiso, sinabi ni Panelo na ito ay dahil masama ang pakiramdam ng pangulo.

“We are sorry that you had to wait for sometime for this tete a tete with the President. However, the President is presently under the weather,” ani Panelo.

5:00, Martes ng hapon, sana idaraos ang one-on-one interview ni Panelo kay Pangulong Duterte na ipapalabas nang live sa PTV4.

“He had several meetings yesterday and he had to pore on many documents, hence he doesn’t feel well today,” dagdag pa nito.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakansela ang ‘tete-a-tete’ ni Panelo kay Pangulong Duterte.

Inaanunisyo na lamang aniya muli ng Malakanyang kung kailan isasagawa ang susunod na ‘tete-a-tete’ sa pangulo.

Read more...