Northeast Monsoon, umiiral sa extreme Northern Luzon – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa extreme Northern Luzon.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa probinsya ng Batangas.

Aniya, hindi naman ito magdudulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan dahil manipis ang namamataang kalupaan sa lugar.

Iiral aniya ang pulo-pulong pag-uulan sa bahagi ng Ilocos region, Cordillera at Cagayan Valley.

Samantala, sinabi ni Ordinario na wala halos namamataang kaulapaan sa iba pang bahagi ng bansa.

Dahil dito, magiging maaliwalas aniya ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Wala rin aniyang inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon o anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Enero.

Read more...