Kawayan Seaport sa Biliran, 100 porsyento nang tapos

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na 100 porsyento nang kumpleto ang konstruksyon ng Kawayan Seaport sa Biliran.

Ayon sa DOTr, ito ay magsisilbing gateway sa mga magagandang isla sa Biliran.

Ilan sa mga ginawa sa seaport ang pagpapalawak na causeway at konstruksyon ng back-up area.

Sinabi ng kagawaran na makakatulong ito para sa mas komportableng pagbiyahe sa mga kilalang tourist destination sa Eastern Visayas.

Kabilang na rito ang Caucab Rice Terraces, Tinago Falls, Mainit Hot Spring, Sambawan Island at Higatangan Island.

Read more...