Kabilang ang nasabing bahay sa 55 kabahayang nasunog pasado alas-Dos ng hapon, Biyernes sa naturang lugar.
Kinilala ang nasawing biktima na si Jessa Mae Bucar, isa sa tatlong anak nina Jesus Bucar, 27-anyos, at Madel Remedio, 26-anyos.
Ayon kay Bucar, sila ni Remedio ay nagta-trabaho sa isang matadero na 20 metro lamang ang layo sa kanilang tirahan nang mangyari ang sunog.
Ligtas namang nakatakas ang dalawa nilang iba pang anak na sina James, 8 taong gulang, at Jemar na 4 na taong gulang.
Ayon kay Mandaue City Fire Marshall Joel Abarquez, nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Visitacion Lucernas at mabilis na kumalat sa mga kapitbahay nito na gawa sa mga light materials.
Tinatayang nasa P250,000 ang pinsalang naidulot ng sunog sa mga ari-arian.
Si Lucernas naman na may sakit sa puso ay dinala sa ospital dahil sa daing nito ng pagiging hirap sa paghinga.