PBA Commissioner’s Cup, malapit nang magsimula

Ginebra-vs-Talk-N-Text-2015-opening-gameMagbubukas na sa February 10 ang 2016 PBA Commissioner’s Cup na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Inilabas na ng PBA ang schedule sa unang linggo ng nasabing laro.

Bubungad sa inaabangang tournament ang laban sa pagitan ng TNT Tropang Texters kontra Blackwater, alas kwatro kinse ng hapon, na susundan naman ng laban sa pagitan ng Star at Meralco pagdating ng alas syete ng gabi.

Sa February 12, araw ng Biyernes, bibida naman sa court ang GlobalPort kontra Mahindra ganap na alas kwatro kinse rin ng hapon, na susundan ng Ginebra versus NLEX pagdating ng alas siyete ng gabi.

Magkakaroon rin ng Valentine’s Day battle sa The Big Dome sa pagitan ng Ginebra at GlobalPort sa February 14, araw ng Linggo.

Sa February 17 naman, araw ng Miyerkules, gaganapin ang unang laro ng Phoenix Petroleum kontra NLEX.

Read more...