Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may ipinatutupad kasi na travel restrictions ang pamahalaan ng China.
Kahit aniya na gustuhin ng Pilipinas na pauuwiin ang mga Filipino, maari aniyang mahirapan lamang dahil sa lockdown sa Wuhan City.
Pero ayon kay Panelo, kung may magagawang paraan ang Pilipinas ay gagawin ito at aayusin na lamang ang protocol para maiuwi ang mga Filipino.
“If we can bring them here, then we can bring them here. We’ll have to do some protocols to make sure that if they have the disease, they will not spread (it),” ani Panelo.
Kasabay nito, hinimok ng Palasyo ang mga local government official na may nakatakdang biyahe sa China na iwasan na muna ang magtungo roon.
Ito ay para masiguro na hindi sila mahahawaan ng sakit na novel coronavirus.