Weight loss program, ikakasa ng NCRPO para sa mga obese na pulis

Magkakasa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng weight loss pogram para sa mga obese na pulis sa Metro Manila.

Sa isang press conference, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na ipatutupad ang Body Mass Index (BMI) Reduction program sa susunod na Martes, February 4.

Sa kanilang tala, nasa mahigit 700 ang overweight na pulis sa Metro Manila. Sakop aniya rito ang lahat ng Obese 2 at 3 sa buong National Capital Region (NCR).

Kinakailangan aniyang mag-report ng mga pulis nang dalawang beses kada buwan.

Bibigyan din ng lecture ang mga pulis kung paano mag-eehersisyo.

Sakaling mabigo na bumigat ang timbang sa loob ng dalawang buwan, magsasagawa aniya ang NCRPO ng summer camp kung saan isang buwan silang sasakbang sa intense weight loss activities.

Sa ganitong paraan, matututukan aniya ang ehersisyo at pagkain ng mga pulis. Libre naman aniya ang ihahandang pagkain sa mga pulis sa loob ng summer camp.

Ayon pa kay Sinas, hindi kailangang mag-report sa trabaho ng mga pulis na makikilahok sa summer camp sa kasagsagan ng pananatili dito.

Dagdag nito, pangungunahan nito ang naturang programa.

Read more...