DOH pinaghihinay-hinay sa mga pahayag ukol sa nCoV

Kuha ni Richard Garcia

Binalaan ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang Department of Health (DOH) sa paglalabas ng mga pahayag ukol sa novel coronavirus.

Ayon kay Ong, ang mga pronouncements ng DOH sa coronavirus ay maling diskarte dahil premature na maituturing ito at lumilikha lamang ito ng panic sa publiko.

Kung pinaghihinalaan pa lamang naman anya ang isang pasyente at hindi na dapat muna ito ilabas.

Ito anya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng panic ang publiko.

Kailangan muna aniyang kumpletuhin ang mga confirmatory test sa mga hinihinalang kaso ng nCoV bago maglabas ng statements.

Sinabi ni Ong na sa ngayon ay puro suspected cases pa lang ang mga naitatala pero kung makapag-anunsyo na ang DOH ay parang ang lala na ng sitwasyon.

Pinagsasagawa rin ng information drive ang DOH upang matutunan ng mga Filipino kung papaano mapapangalagaan ang sarili laban sa sakit.

Hinimok naman ng kongresista na makipag-ugnayan ang DOH sa Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensya para paigtingin ang pagmamatyag ng publiko ukol sa nCoV.

Pinatitiyak din na dumadaan sa screening ang lahat ng mga turistang pumapasok sa bansa mula sa airport.

Dapat din anyang tumulong ang mga airlines at mga shipping lines upang hindi na kumalat ang sakit.

Sabi ni Ong, maari naman na sa port of origin pa lamang ang ma-tsek na kung may sintomas ang nCoV ang papasok ng teritoryo ng bansa.

Read more...