Pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malakanyang ang pagsuspinde sa pag-iisyu ng visa on arrival sa iba pang mga dayuhan na nanggaling sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng 2019-novel coronavirus.
Pahayag ito ng Palasyo matapos suspindehin ng Bureau of Immigration ang pag-iisyu ng visa on arrival sa mga Chinese visitor na pumapasok sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nais lamang ng pamahalaan na masigurong ligtas ang bansa laban sa novel coronavirus.
Kabilang sa mga bansang may kumpirmadong kaso na ng novel coronavirus ang Japan, Nepal, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, Amerika at Vietnam.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hihintayin muna ng Palasyo ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) kung nararapat nang i-ban muna sa pagpasok sa bansa ang mga dayuhan na nanggaling sa mga lugar na may kaso ng novel coronavirus.