Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, aarestuhiun ang sinumang sangkot sa prostitusyon.
“We will have that investigated. If that’s true then we have to do something about it… Like stopping prostitution and arresting those who are involved in it,” ani Panelo.
Sa imbestigasyon ng Senado, Martes ng umaga, nabunyag na mistulang pagkain lamang sa isang restaurant na inoorder ang mga prostitute.
Nagpapanggap aniya ang mga prostitute na nagtatrabaho na masahista sa spa facitlities.
May menu service aniya ang prostitutsion at inoorder na lamang ng mga Chinese member sa application ng chat group.
Nabatid na gaya ng nasa menu, nakalagay na ang presyo ng isang prostitute, ioorder online at darating na lamang sa isang hotel o condo.
Ayon kay Panelo, dapat na mahinto ang ganitong uri ng prostitusyon sa POGO industry.