Inilagay ng PCG Task Force Taal ang kabuuang 100 buoy markers sa 7-kilometer radius danger zone.
Samantala, habang nagsasagawa ng maritime patrol, inilikas ng PCG sa Southern Tagalog ang pitong motorbanca na lulan ang ilang residente na bumalik sa isla sa kabila ng deklarasyon ng total lockdown.
Kasabay ng evacuation, pinaalalahanan ng mga tauhan ng PCG ang mga residente sa posibleng panganib na marasanan kapag bumalik sa danger zone dahil patuloy pa rin ang seismic activity ng Bulkang Taal.
Hinikayat din ng PCG ang publiko sa sumunod sa mga ipinatutupad na safety measures para sa kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.