Kasunod ito ng pangamba na maubos na ang pondo para sa pagtugon sa kalamidad kasunod ng pagputok ng bulkang Taal ngayong Enero.
Ayon kina Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Loren Legarda, sapat ang inilaan pondo para sa disaster relief ngayong 2020.
Ayon pa kay Legarda, hindi mauubos ang pondo dahil merong continuing funds mula 2019 na pwedeng gamitin hanggang Disyembre ngayong taon.
Meron pa anyang National Disaster Risk Reduction Management (NDRRM) funds at Quick Response Funds (QRF) noong nakaraang taon.
Una nang naghain ng bill ang mga kinatawan mula sa Batangas para sa P30-billion supplemental budget para masuportahan ang mga biktima ng Taal Volcano eruption.
Sabi ni Legarda, kailangang naka-earmark ang naturang halaga o may partikular na paggagamitan at hindi lump sum.
Bukod sa mga gamit, kailangan anya ng mga tao ng tulong-pinansyal na pantustos sa pang-araw-araw nilang pamumuhay habang hindi pa nakakabangon sa pinsala ng bulkan.