Visas upon arrival sa mga Chinese itinigil muna ng BI

Sinuspinde na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbibgay ng visas upon arrival sa mga Chinese nationals dahil sa banta ng novel coronavirus o 2019 – nCoV.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, bahagi ito ng proactive measure ng ahensya para maawat ang posibilidad na makapasok sa bansa ang sakit.

Sa ilalim ng visa upon (VUA) arrival para sa mga mamamayan ng China, sila ay pinapayagan na manatili sa bansa sa loob ng 30 araw at maari pang mag-apply ng extension hanggang sa anim na buwan.

Sa pamamagitan ng pagpapahinto sa pagbibigay ng VUA, mababawasan ang pagdagsa sa bansa ng mga Chinese nationals ayon sa BI na karamihan ay grupo-grupong nagtutungo dito para mamasyal.

Nilinaw naman ni Morente na walang umiiral na ban sa mga Chinese nationals.

Read more...