LeBron James naiiyak pa rin tuwing naiisip si Kobe Bryant

“Heartbroken at devastated”.

Ganito inilarawan ni LeBron James ang kaniyang nararamdaman hanggang sa ngayon matapos ang pagkasawi ni Kobe Bryant at anak na si Gianna.

Sa kaniyang bagong post sa Instagram, sinabi ni James na nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagsulat ng mensahe para kay Bryant.

Sa tuwing tatangkain umano kasi niyang mag-compose ng mensahe, ay lagi siyang naiiyak.

Inalala ni James si Gigi, ang pagkakaibgan nila ni Bryant na nauwi sa pagiging mistulang magkapatid nila.

Ayon kay Lebron, noong Linggo ng umaga ay nagkausap pa sila Bryant at hindi niya inakala na ito na ang huli nilang pag-uusap.

Hiniling ni James kay Bryant na tulungan siya at bigyan ng lakas.

Ang kaniyang post ay nilagyan ni James ng hashtag na #Mamba4Life at #Gigi4Life.

Ibinahagi din niya ang compilation ng mga larawan nila ni Bryant, kasama ang grab sa huling post ni Bryant sa kaniyang Twitter account na may kaugnayan sa high points na nakuha ni James sa kaniyang NBA career.

Read more...