Pinangunahan ni Acting Foreign Affairs Secretary Eduardo Malaya ang emergency meeting para matalakay ang mga hakbang na maaring gawin bunsod ng outbreak ng novel coronavirus sa China at pagkakaroon na rin ng kaso nito sa iba pang mga bansa.
Hiniling ng DFA ang guidance mula sa DOH para sa ipatutupad na protocols sakaling kailanganin ang paglilikas o repatriation sa mga Pinoy na nasa Wuhan City at iba pang apektadong lugar.
Pinayuhan naman ni Health Undersecretary for Public Health Services Myrna Cabotaje ang gmga Pinoy sa mga apektadong bansa na iwasan ang mga matataong lugar, gumamit ng mask at gloves, at sundin ang pagkakaroon ng proper hygiene.
Wala pa namang napapaulat na Pinoy na apektado ng sakit.