2 drug suspect patay sa buy-bust sa Cavite

Dalawang suspek sa ilegal na droga ang nasawi sa ikinasang buy-bust operation sa Cavite.

Ayon kay Col. Marlon Santos Cavite provincial police chief, ikinasa ang operasyon sa Dasmarinas City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Mcdo” at “Bong” na kapwa nanlaban umano sa mga otoridad.

Nangyari ang buy-bust sa Barangay Burol, alas 11:30 ng gabi ng Lunes (Jan. 27).

Nagawang makabili ng poseur buyer ng P700 na halaga ng shabu laban sa dalawa pero bumunot sila ng baril nang makatunong na pulis ang katransaksyon.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre 38 na revolver.

 

Read more...