Mahigit 100 na ang nasawi sa China dahil sa novel coronavirus

Umabot na sa 106 ang nasawi sa China dahil sa novel coronavirus o 2019 nCoV.

Maliban sa mga nasawi umabot na sa 4,193 ang naitalang kaso at mayroong 58 katao ang naka-recover sa sakit.

Ang panibagong datos ay kinumpirma ng Health Officials ng China.

Samantala, sinuspinde na rin ang lahat ng serbisyo ng public transportation sa Tangshan City sa China para maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Ang Tangshan ay nasa Hebei province na mayroong mahigit 7.5 million na populasyon.

Sa Hebei ay nakapagtala na ng 18 kumpirmadong kaso ng novel coronavirus.

Read more...