LOOK: Mural painting nina Kobe Bryant at anak na si Gianna

Nagtulung-tulong ang mga Filipino artist para makalikha ng mural painting ni Kobe Bryant at at anak niyang si Gianna sa isang court sa Tenement Housing sa Taguig City.

Sa pangunguna ng artist na si Mike Swift, isang giant mural painting ng mag-amang Kobe at Gianna ang nalikha.

Magdamag na ginawa ang painting na sinimulan Lunes (Jan. 27) ng gabi.

Hinimok din ang mga fans ni Bryant na magtungo sa lugar para magsindi ng kandila at at mag-alay ng bulaklak at panalangin.

 

Read more...