Laban ng LA Lakers kontra LA Clippers ipinagpaliban ng NBA

Ipinagpaliban ng NBA ang naka-schedule na laro ngayong Martes sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang LA Lakers na magkaroon ng mas mahabang panahon upang ipagluksa ang pagkamatay ng dating manlalaro ng koponan na si Kobe Bryant.

Sa Staples Center dapat isasagawa ang laban na home court ng Lakers.

Ayon sa NBA, labis na nagluluksa ang Lakers organization kaya minabuting ipagpaliban ang laban.

Sa ngayon puno ng pagdadalamhati ang Staples Center matapos dumagsa doon ang libu-libong fans ni Bryant.

Read more...