Water level ng Angat dam nabawasan pa sa nakalipas na magdamag

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Jan. 28 ay 203.15 meters ang water level ng Angat dam.

Mas mababa kumpara sa 203.28 meters na water level nito kahapon.

Nadagdagan naman ang water level ng Ipo dam na nasa 101.91 meters habang walang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.81 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao at Binga dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Excerpt: A

Read more...