Nagbuga ng may kalakasan na kulay puting usok ang Bulkang Taal ngayong umaga.
Mataas ang nakitang usok na ibinuga mula sa crater ng bulkan.
Ilang araw na ring tuluy-tuloy sa paglalabas ng usok ang bulkan subalit maituturing itong weak hanggang moderate lamang ayon sa Phivolcs.
Nananatiling nakataas ang alert level 3 sa Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs kahit ibinaba ang alerto ay hindi nangangahulugang hindi na sasabog ang bulkan.
May parte pa rin kasi ng bulkan na nananatiling maga.
Pero ang pagkilos ng magma sa loob nito ay huminto sa pag-akyat.
READ NEXT
Ilang barangay sa QC mawawalan ng suplay ng tubig mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga
MOST READ
LATEST STORIES