Ilang barangay sa QC mawawalan ng suplay ng tubig mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 06:34 AM

Sampung oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Quezon City simula sa Huwebes ng gabi hanggang sa Biyernes ng umaga.

Sa abiso ng Maynilad, alas 8:00 ng gabi ng Huwebes (Jan. 30) hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Jan. 31) ang water service interruption .

May isasagawa kasing maintenance activity ang Maynilad sa lugar.

Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na mga barangay:

– Nagkaisang Nayon (maliban sa FB De Jesus, Jona Ville, at Interville Subd.)
– Gulod (maliban sa Senading St., Nenita St., at Masay St.)
– Santa Monica (Santiago Subd.)
– San Agustin (TS Cruz Subd., Heavenly Drive at Patnubay)
– Novaliches Proper (buong barangay maliban sa Mendoza Cmpd., Millionaires Subd., at AUstria St.)

Pinayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na suplay ng tubig na kanilang kakailanganin sa mga oras na mayroong service interruption.

TAGS: Inquirer News, maynilad, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, quezon city, Radyo Inquirer, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Water supply, Inquirer News, maynilad, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, quezon city, Radyo Inquirer, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.