Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 115 sa nasabing bilang ay mula sa Abu Dhabi habang 13 naman sa Dubai.
Sinabi ng kagawaran na nagbigyan ng legal advise ang distressed Filipinos na nangangailangan ng legal assistance sa UAE.
Sinagot din ng DFA ang maintenance at operating costs ng tinirhan ng mga ito sa UAE, travel documents, exit visas at iba pa.
Maliban dito, binayaran din ng DFA ang airfares ng distressed Filipinos para makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Bago umuwi ng Pilipinas, hinikayat ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi ang distressed Filipinos na ibahagi ang panganib at paghihirap para maiwasang maranasan ito ng iba pang Pinoy.
Katuwang ng DFA sa pagsalubong sa mga distressed Filipino ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Bureau of Immigration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagbigay din ang ilang representante ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng impormasyon ukol sa free
skills training programs.
Tiniyak naman ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na patuloy silang aasiste sa mga kababayang Filipino sa ibang bansa.
“While we welcome the safe return of our distressed kababayans, we also make an appeal to everyone to be mindful of the dangers of human trafficking and to stay away from illegal recruiters,” ani Arriola.
Sa ngayon, umabot na sa 265 distressed Filipinos ang naipauwi ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi sa pagsisimula ng taong 2020 habang 150 na Filipino naman mula sa Philippine Consulate General sa Dubai.