Isang eroplano ng Ariana Airlines, nag-crash sa Afghanistan

Nag-crash ang isang eroplano ng Ariana Airlines sa Ghazni province, Afghanistan araw ng Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ni Arif Noori, tagapagsalita ng Ghazni provincial governor, bumagsak ang eroplano sa bahagi ng Deh Yak district.

Sa ngayon, hindi pa alam kung ilang pasahero ang lulan ng eroplano.

Hindi pa rin alam ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Read more...