Hinihinalang kaso ng coronavirus sa Camiguin, nagnegatibo

Nagnegatibo ang isang dayuhan na hinihinalang apektado ng 2019 novel coronavirus sa probinsya ng Camiguin.

Ayon kay Camiguin Provincial Health Officer Gretchen Cabalang, matapos makitaan ng mga sintomas, lumabas sa mga isinagawang pagsusuri na negatibo ang dayuhan sa nasabing virus.

Tutukan pa rin aniya ang mga nakasama ng dayuhan sa isang resort.

Sa ngayon, sinabi ni Cabalang na patuloy na nagpapagaling ang dayuhan at nakatakda nang makalabas ng ospital.

Tiniyak din nito ang pagkakasa sa probinsya ng mandatory protocols para matutukan ang banta ng coronavirus.

Read more...