SBP, nagluluksa sa pagpanaw ni Kobe Bryant

Los Angeles Lakers forward Kobe Bryant walks down the court during the first half of Bryant’s last NBA basketball game, against the Utah Jazz, Wednesday, April 13, 2016, in Los Angeles. (AP Photo/Jae C. Hong)

Nagluluksa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagpanaw ng kilalang basketball icon na si Kobe Bryant.

Nasawi si Bryant, kasama ang kaniyang 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa, makaraang mag-crash ang sinasakyang helicopter sa Los Angeles sa Amerika.

Sa inilabas na pahayag ng SBP, sinabi nina chairman emeritus Manny Pangilinan at president Al Panlilio na nawalan ang basketball world ng isa sa “greatest sons” nito.

Nakilala anila si Bryant kung paano nito ipamalas ang galing sa paglalaro ng basketball nang mayroong passion at sariling istilo.

Dagdag pa nito, si Bryant ay isa sa NBA players na mahal ng Filipino fans bunsod ng mga ipinamamahagi nitong tips sa paglalaro tuwing bumibisita sa Pilipinas.

Nagpasalamat din ang SBP sa five-time NBA champion para sa pagpapakita kung ano ang totoong competitor at sportsman.

Matatandaang nakapaglaro si Bryant ng 20 seasons sa koponang Los Angeles Lakers.

Read more...