Patuloy na nakakaapekto ang easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean sa ilang parte ng bansa.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na umiiral ito sa Central Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Maging sa Metro Manila ay nakararanas din aniya ng mainit at maalinsangang panahon bunsod nito.
Mahina naman aniya ang Northeast Monsoon o Amihan ngunit nakakaapekto pa rin ito sa Hilagang bahagi ng Luzon.
Ani Rojas, ‘generally fair weather’ ang asahang mararanasan sa Ilocos region, Cordillera at Cagayan Valley.
Samantala, sinabi pa ni Rojas na walang inaasahang mabubuong sama ng panahon o anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa linggong ito.