EDCA, MDT malabong ibasura ng US – Palasyo

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na hindi ipangbabala ng Amerika at hindi ibabasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty (MDT) sa Pilipinas.

Ito ay kahit na tuluyan nang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi nababahala ang Palasyo dahil malabong gawin ng Amerika na ibasura ang EDCA at MDT.

Kinakailangan kasi ng Amerika na nakaposisyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa mga kalaban ng estado.

Sinabi pa ni Panelo na hindi maikakaila na higit na naging kapaki-pakinabang sa Amerika ang VFA, EDCA at MDT.

Taong 1999 nang maselyuhan ng Pilipinas at Amerika ang VFA.

Pero noong nakaraang lingo, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte na ibasura na ang kasunduan matapos kanselahin ng Amerika ang US visa ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Read more...