P1.2-M halaga ng marijuana nakumpiska sa Silang, Cavite

Nakumpiska ang nasa 34 bloke ng marijuana sa Silang, Cavite Linggo ng hapon.

Batay sa ulat ng pulisya, namataan ang kontrabando sa isang bakanteng lote sa bahagi ng Aguinaldo Highway sa
Barangay Lalaan.

Iniulat sa mga pulis ang nakitang mga kontrabando ng ilang opisyal ng barangay sa lugar.

Dahil dito, agad nagkasa ng retrieval operations ang pulisya para makuha ang kontrabando.

Nagkakahalaga ito ng P1.2 milyon.

Read more...