Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa Barangay Carreta bandang 8:00 ng gabi.
Nakilala ang mga nahuling suspek na sina Cerelina Casas alyas “Sherly,” target sa operasyon; Regina Casas; Ligie Cadaro; Timoteo Pautan; Frederick Amaro; at Raymundo Abregonda.
Nakuha sa anim ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81,600.
Maliban dito, narekober din ang ginamit na buy-bust money, dalawang coin purse na nagsilbing lalagyan ng ilegal na droga, isang cell phone, P2,140 na cash, at ilang drug paraphernalia.
Mahaharap ang anim sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.