Nilinaw ng isang kilalang astronomer at meteorologist na walang kinalaman o epekto ang paggalaw ng mga planeta sa nagaganap na lindol o anumang volcanic eruptions.
Sa Balitaan forum sa Maynila, sinabi ni Edmund Rosales, na walang gravitational effect ang mga planeta sa aktibidad ng earth o mundo.
Tanging buwan lamang aniya ang kapansin-pansin na kung kabilugan ay sinasabing may epekto sa behavior ng tao at kung high tide.
Pinuna rin ni Rosales ang sinasabing may pagbabago sa ugali ng tao na nagaganap tuwing bilog ang buwan, ang panahon na sinasabing “may sumpong” dahil bilog ang buwan.
Sinabi ng meteorologist na positibo ang dulot ng kabilugan ng buwan lalo na at naging mabuti ang mga tao dahil sa bilog ang buwan ay maliwanag aniya ang paligid, konti ang aksidente dahil nakikita ang mga kalsada at konti lang ang magnanakaw dahil sila ay nakikita.