Road at bridge widening projects sa Koronadal City, nakatakda nang matapos sa 2020 – DPWH

Matatapos na ang road widening projects na nag-uugnay mula sa Koronadal City, South Cotabato patungong General Santos City.

Dahil dito ay magiging mabilis na ang pagbiyahe patungo at palabas ng mga naturang lungsod.

Ayon kay Department Of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office-12 Director Basir M. Ibrahim, makukumpleto na sa taong 2020 ang iba’t ibang infrastructure projects sa para tugunan ang tumitinding traffic sa rehiyon.

P100 milyon ang inilaang pondo para sa pagpapalawig ng kalsada mula sa dating apat na lanes patungo sa anim na lanes ng Marbel-Makar Road na bumabagtas sa Koronadal City patungong GenSan.

Sa Abril 2020 nakatakdang matatapos ang proyekto.

Magiging mabilis na rin ang paghahatid ng mga lokal na produkto patungo sa mga pamilihan kapag natapos na ang proyekto na maliban sa pagpapalawak sa kalye ay may kalakip din na pagkumpuni ng tatlong tulay.

Read more...