DOH nagtaas ng alerto dahil sa pagkalat ng Zika virus sa Amerika

Ueslei Marcelino / Reuters
Ueslei Marcelino / Reuters

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang alerto nito dahil sa pagkalat ng Zika virus na nauugnay a kaso ng brain damage sa mga sanggol.

Mabilis na kumakalat ang Zika virus sa Estados Unidos at may natukoy na rin sa ilang bahagi ng Asya, dahilan ng pagtataas ng alerto ng DOH.

Pinaigting din ng DOH ang kanilang surveillance program laban sa naturang sakit.

Ayon kay Infectious Disease Specialist Dr. Dessi Roman ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM, vulnerable ang Pilipinas sa Zika virus dahil ang lamok na nagdadala nito ay ang lamok na responsable rin sa dengue fever.

Pero sinabi ni Health Sec. Janette Garin na mababa ang risk ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa na marami ang turista gaya ng pumupunta at galing sa Brazil kung saan may outbreak ng Zika.

Payo ni Dr. Roman, dapat mag-ingat ang mga Pilipino lalo na ang mga buntis na bumibyahe sa mga bansa na may aktibong kaso ng Zika.

Wala anyang travel restriction pero dapat na maging mas vigilant ang mga buntis.

Dapat din anyang iwasan ang mga lugar na may mataas na kaso ng sakit dahil sa lamok gaya ng mga old ruins, templo, hardin, gubat at may stagnant water.

Dagdag pa ng DOH, ang susi sa pag-iwas sa paglaganap ng Zika virus ay palagiang paglilinis ng kapaligiran para hindi mamahay ang lamok.

Read more...