Malakanyang nagdadalamhati sa pagpanaw ni NBA superstar Kobe Bryant

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilyang naulila ni BA superstar at legend Kobe Bryant.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis na ikinalungkot ng Office of the President nang malaman ang naturang balita na pumanaw si Kobe at ang kaniyang anak nang mag-crash ang sinasakyang helicopter sa California.

Ayon kay Panelo, frequent visitor o palaging bumibisita si Bryant sa Pilipinas.

Mahal aniya ng mga Filipino fans si Bryant.

Sinabi pa ni Panelo na nawalan ng isang legendary greats ang mundo ng basketball.

Ayon kay Panelo, isa si Kobe sa mayroong accuracy sa hard court at master sa kaniyang craft na pinili.

Read more...