LOOK: Simpleng kasal nina Meghan Young at Mikael Daez idinaos noong Jan. 10

Noon pang January 10, 2020 naganap ang simpleng kasalan nina Meghan Young at Mikael Daez.

Marami ang nagulat nang nag-post ng wedding photos ang dalawa dahil wala silang anunsyo bago gawin ang pagpapakasal.

Sa kaniyang post sa Instagram sinabi ni Meghan na January 10 nangyari ang kasal sa Caleruega na dinaluhan lang ng 10 mahal nila sa buhay.

Pagkatapos ng solemn at very private na seremonya, noong January 25 ay ipinagdiwang ng showbiz couple ang kasal kasama ang mas maraming bilang ng pamilya at mga kaibigan.

Read more...