Michelle Obama, wagi sa Grammys para sa ‘Best Spoken Word Album’

Maiban kina Lil Nas X, Lady Gaga, at Beyonce, nagwagi din sa Grammy Awards ang dating First Lady ng Estados Unidos na si Michelle Obama.

Kinilala ng Grammys si Obama para sa Best Spoken Work Album, sa audiobook ng kaniyang memoir (memwa) na ‘Becoming’.

Ang kaniyang mister na si dating US President Barack Obama ay nanalo din noon ng dalawang award sa Grammys para sa kahalintulad na kategorya.

Ang ‘Becoming’ ni Michelle Obama ay inilabas noong 2018.

 

Read more...