Sa abiso ng Pace Academy, bagaman walang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas ay nagpasya silang suspendihin muna ang klase ngayong araw ng Lunes.
Ito ay para magkaroon ng oras ang mga magulang na paghandaan ang sumusunod na precautionary measures na ipatutupad sa paaralan:
– Bawat mag-aaral ay dapat mayroong 2 hanggang 3 face masks, at bawat isa ay dapat magpalit ng face masks kada 4 na oras.
– lahat kabilang ang mga magulang, fetchers, drivers, mga yaya, at school personnel, ay dapat magsuot ng face masks tuwing pupunta sa paaralan
– ang mga may sintomas ng ubo, sore throat, sipon at lagnat ay hindi na dapat pumasok sa paaralan hangga’t walang clearance mula sa duktor
– Ang mga bumiyahe sa ibang bansa ay sa lob ng nakalipas na dalawang linggo ay dapat magpakita ng medical certificate bago pumasok sa paaralan
– Lahat ng pumapasok sa school premises ay kukuhanan ng temperatura
Humingi ng pang-unawa ang paaralan sa mga estudyante at magulang hinggil sa ipatutupad na precautionary measures.