Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya

Ilang oras na nakaranas ng problema sa biyahe ng MRT-3 ang mga pasahero nito ngayong umaga ng Lunes, Jan. 27

Sa abiso ng MRT-3 alas 8:29 ng umaga nang magkaroon ng problema sa Overhead Catenary System sa Cubao southbound.

Naresolba umano ang problema 8:48 ng umaga.

Pero bago mag alas 7:00 ng umaga, nagsimula nang magreklamo ang mga pasahero partikular ang mga nasa Cubao, Station.

Ayon sa tweet ng mga netizen, 6:57 ng umaga nang mag-stop entry sa MRT-Cubao station.

Humingi naman ng pangunawa ang MRT-3 sa nangyari.

Read more...