Kumpirmadong kaso ng coronavirus sa US umakyat na sa 5; 100 pang katao ang under investigation

Limang katao na may histroy ng pagbiyahe sa Wuhan City ang nakumpirmang tinamaan ng novel coronavirus sa Amerika.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, nadagdag sa bilang ang dalawang pasyente sa Los Angeles at Phoenix.

Una rito ay may iniulat nang mga kaso sa Chicago at Seattle.

Maliban sa 5 kumpirmado na sa sakit, mayroong 25 katao na isinailalim sa pagsusuri subalit pawang nag-negatibo naman.

100 naman ang itinuturing na ‘under investigation’.

Read more...