Kumakalat na balitang may kaso ng coronavirus sa Maynila at Muntinlupa, hindi totoo

Kapwa itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at Maynila ang balitang kumakalat na mayroong kaso ng novel coronavirus sa kanilang lugar.

Ayon sa Muntinlupa City Government, ‘fake news’ ang kumakalat na mensahe sa Facebook na mayroong isang Chinese sa Alabang ang nagpositibo sa novel coronavirus.

Base sa kumakalat na mensahe ay nagpa-second opinion umano ang dayuhan sa Asian Hospital at nagpositibo ulit kaya isinailalim sa quarantine.

Ayon sa Muntinlupa City Health office, walang kumpirmadong kaso ng 2019-nCov sa lungsod.

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon.

Samantala, sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Manila Health Department na hindi rin totoo ang balita na may kaso ng novel coronavirus sa Metropolitan Hospital.

Ayon sa Manila City Health Department walang kumpirmadong kaso ng sakit sa naturang ospital.

Read more...