Sa 8am volcano bulletin ng PHIVOLCS, weak to moderate emission ang naitala mula sa crater ng bulkan at ang taas ng kulay puti na steam-laden plumes na ibinubuga nito ay umabot sa 50 to 800 meters.
Ayon sa Phivolcs ang sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan ay nasukat na aabot sa 87 tonnes per day.
Nakapagtala din ng 170 volcanic earthquakes sa magdamag kabilang ang mahihinang pagyanig.
Nakataas pa rin ang alert level 3 sa Bulkang Taal at pinapayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa loob ng 7-kilometer radius mula sa main crater.
Ipinauubaya naman sa local government units ang pag-assess sa mga lugar na nasal abas ng seven-kilometer radius para tignan ang pinsala at road accessibilities at tiyakin pa rin ang pagiging handa sakaling muling tumindi ang pag-aalburuto ng bulkan.