Nasawi sa novel coronavirus sa China umakyat na sa 80

Umabot na sa 80 ang nasawi sa novel coronavirus sa China.

Mula sa 56 ay nadagdagan pa ng 24 ang bilang ng mga nasawi.

Nakapagtala din ng 400 na bagong kaso ng novel coronavirus sa China dahilan para lumobo sa mahigit 2,000 na ang kaso nito.

Ayon kay Chinese health minister Ma Xiaowei tumataas ang kakayahan ng virus na lumaganap ng mabilis.

Maliban sa China ay nakapagtala na rin ng kaso ng naturang sakit sa iba pang panig ng mundo.

Kabilang dito ang sumusunod na mga bansa:

• Canada
• France
• US
• Nepal
• Thailand
• Malaysia
• Singapore
• South Korea
• Japan
• Taiwan
• Hong Kong
• Macau
• Vietnam
• Australia

Read more...