Embahada ng Amerika sa Baghdad, Iraq tinarget ng rockets

Tinumbok ng rockets ang embahada ng Amerika sa Baghdad, Iraq.

Tumama ang isa sa mga rocket sa dining facility ng embahada.

Ilang ulit nang may bumabagsak na rockets sa US Embassy sa Baghdad, pero ito ang unang pagkakataon na sa mismong pasilidad ito tumama.

Kadalasan ay sa compound lamang ng embahada ito tumatama.

Ayon sa US Joint Operations Command, limang Katyusha rockets na ang tumama malapit sa Embahada nitong nakalipas na mga oras.

Sa nasabing bilang ay tatlo ang direktang tumama sa US Embassy at ang cafe at dinner area ang nasapul.

Read more...