Intramuros Administration pinabulaanan ang viral photo ng dayuhang dumudumi umano sa isang malaking paso

Pinabulaanan ng Intramuros Administration (IA) ang kumakalat na larawan ng isang dayuhan habang dumudumi umano sa isang malaking paso sa Intramuros.

Sa pahayag ng Intramuros Administration, nang makarating sa kanila ang balita ay agad silang nagpadala ng team sa lugar.

Pero wala umanong nakitang dumi ng tao sa lugar kung saan sinasabing dumumi ang dayuhan.

Kasabay nito ay umapela ang pamunuan ng Intramuros sa publiko na maging mapagmatyag at mapanuri.

Hiniling din na agad ipag-bigay alam sa mga otoridad ang anumang paglabag na nagagawa sa mga heritage site.

Nanawagan din ang IA sa publiko na maging malinis at responsable sa kapaligiran.

Read more...