Water level ng Angat dam nabawasan pa sa nakalipas na magdamag

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ay 203.28 meters ang water level ng Angat.

Nabawasan kumpara sa 203.33 meters na water level nito kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo at La Mesa dam na nasa 101.08 meters at 77.81 meters.

Ang water level naman ng Ambuklao at Caliraya dams ay bahagyang nadagdagan.

Habang pawang nabawasan ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Read more...