WALANGPASOK: Ilang Chinese-Filipino schools sa Maynila nagsuspinde ng klase

Dahil sa novel coronavirus scare ilang Chinese-Filipino school sa lungsod ng Maynila ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase.

Ang Uno High School ay suspendido indefinitely ang klase.

Maglalabas na lamang ng abiso ang Uno High School kung kailan magre-resume ang klase.

Suspendido naman ang klase ngayong araw ng Lunes, January 27 sa sumusunod na paaralan:

• Chiang Kai Shek College
• Hope Christian High School
• St. Stephen’s High School
• Philippine Cultural College
• Tiong Se Academy
• Lorenzo Ruiz Academy
• St. Jude Catholic School

 

Read more...